2 Mga Hari 1:17
Magandang Balita Biblia
17 Namatay nga si Haring Ahazias ayon sa ipinasabi ni Yahweh kay Elias. Wala siyang anak kaya si Joram[a] na kanyang kapatid[b] ang humalili sa kanya bilang hari ng Israel. Noon naman ay dalawang taon nang hari sa Juda si Jehoram na anak ni Jehoshafat.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 1:17 Joram: Sa tekstong Hebreo ay Jehoram , na isang paraan ng pagbaybay sa pangalang ito.
- 2 Mga Hari 1:17 na kanyang kapatid: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
2 Mga Hari 3:1
Magandang Balita Biblia
Ang Digmaan ng Israel at Moab
3 Nang ikalabing walong taon ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda, si Joram[a] namang anak ni Ahab ay nagsimulang maghari sa Israel. Labindalawang taon siyang naghari sa Samaria, ang kabisera ng Israel.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 3:1 Joram: Sa tekstong Hebreo ay Jehoram , na isang paraan ng pagbaybay ng pangalang ito.
2 Mga Hari 3:6
Magandang Balita Biblia
6 Kaya, mula sa Samaria'y tinipon ni Haring Joram[a] ang lahat ng mga kawal ng Israel.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 3:6 Joram: Sa tekstong Hebreo ay Jehoram , na isang paraan ng pagbaybay ng pangalang ito.
2 Mga Hari 9:24
Magandang Balita Biblia
24 Ngunit buong lakas na pinana ni Jehu si Joram. Tinamaan siya sa likod at tumagos ang palaso sa puso. Bumagsak si Joram sa loob ng karwahe.
Read full chapter
2 Cronica 22:5-7
Magandang Balita Biblia
5 Ang mga ito rin ang sinunod niya nang sumama siya kay Joram[a] na anak ni Haring Ahab ng Israel upang labanan sa Ramot-gilead si Hazael na hari ng Siria. Sa labanang iyon nasugatan si Joram.[b] 6 Dahil sa nangyaring ito, ibinalik siya sa Jezreel upang doon magpagaling ng mga sugat. Doon siya dinalaw ni Ahazias. 7 Kalooban ng Diyos na ang pagdalaw niyang ito ang maging pagkakataon para siya bumagsak. Sumama siya kay Joram[c] upang makipagkita kay Jehu na anak ni Namsi. Si Jehu ang pinili ni Yahweh upang lipulin ang sambahayan ni Ahab.
Read full chapterFootnotes
- 2 Cronica 22:5 Joram: Sa tekstong Hebreo ay “Jehoram” , na isang paraan ng pagbaybay sa pangalang ito.
- 2 Cronica 22:5 Joram: Sa tekstong Hebreo ay “Jehoram” , na isang paraan ng pagbaybay sa pangalang ito.
- 2 Cronica 22:7 Joram: Sa tekstong Hebreo ay “Jehoram” , na isang paraan ng pagbaybay sa pangalang ito.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.