Add parallel Print Page Options

Nagpatotoo sa iglesya ang mga kapatid tungkol sa iyong pag-ibig. Makabubuti kung matutulungan mo sila sa kanilang paglalakbay, na siya namang kalugud-lugod sa Diyos. Sapagkat sila ay nagsimula nang maglakbay alang-alang kay Cristo.[a] Ginawa nila ito nang hindi tumatanggap ng anumang tulong mula sa mga di-mananampalataya. Kaya nga, nararapat nating tulungan ang mga taong tulad nila, upang tayo'y maging kamanggagawa para sa katotohanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3 Juan 1:7 Cristo: Sa Griyego, Pangalan.