Add parallel Print Page Options

Pinili si Matias Bilang Kapalit ni Judas

12 Pagkatapos nito, sila ay bumalik sa Jerusalem mula sa bundok na tinatawag na mga puno ng Olibo, na malapit sa Jerusalem. Ito ay lakbaying makakaya sa isang araw ng Sabat.

13 At nang makapasok na sila, umakyat sila sa silid sa itaas. Doon nanunuluyan sina Pedro, Santiago, Juan, Andres, Felipe, Tomas, Bartolomeo, Mateo at Santiago na anak ni Alfeo. Gayundin si Simon na Makabayan at si Judas na kapatid ni Santiago.

Read full chapter