Add parallel Print Page Options

Ang Parusa sa Bansang Filistia

Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Filistia: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Gaza,[a] parurusahan ko sila. Sapagkat binihag nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan at ipinagbili bilang mga alipin sa Edom. Kaya susunugin ko ang mga pader[b] ng Gaza at ang matitibay na bahagi ng lungsod na ito. Lilipulin ko ang mga pinuno ng Ashdod at ng Ashkelon, at parurusahan ko ang mga taga-Ekron.[c] At ang mga Filisteong makakatakas sa parusa ay mamamatay din. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:6 Gaza: Ang Gaza ay isa sa mga pangunahing lungsod ng Filistia at kumakatawan sa buong bansa ng Filistia.
  2. 1:7 susunugin ko ang mga pader: Maaaring may mga bahagi ang pader na masusunog ng apoy, o ang apoy dito ay nangangahulugan ng pagkawasak.
  3. 1:8 Ashdod … Ashkelon … Ekron: Itoʼy mga lugar na sakop ng Filistia.