Font Size
Amos 2:10-12
Ang Biblia, 2001
Amos 2:10-12
Ang Biblia, 2001
10 Iniahon ko rin kayo sa lupain ng Ehipto,
at pinatnubayan ko kayo nang apatnapung taon sa ilang,
upang angkinin ninyo ang lupain ng Amoreo.
11 At(A) pinili ko ang ilan sa inyong mga anak upang maging mga propeta,
at ang ilan sa inyong mga binata upang maging mga Nazirita.
Di ba gayon, O bayan ng Israel?” sabi ng Panginoon.
12 “Ngunit pinainom ninyo ng alak ang mga Nazirita,
at inutusan ninyo ang mga propeta,
na sinasabi, ‘Huwag kayong magsalita ng propesiya!’