Font Size
Amos 2:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Amos 2:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Kaya susunugin ko ang Moab pati na ang matitibay na bahagi ng Keriot.[a] Mamamatay ang mga taga-Moab habang nagsisigawan at nagpapatunog ng mga trumpeta ang kanilang mga kaaway na sumasalakay sa kanila. 3 Mamamatay pati ang kanilang hari at ang lahat ng kanyang mga opisyal. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
Ang Parusa sa Bansang Juda
4 Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Juda: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Juda, parurusahan ko sila. Sapagkat itinakwil nila ang aking mga kautusan at hindi nila sinunod ang aking mga tuntunin. Iniligaw sila ng paglilingkod nila sa mga dios-diosan na pinaglingkuran din ng kanilang mga ninuno.
Read full chapterFootnotes
- 2:2 Keriot: Itoʼy lugar na sakop ng Moab.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®