Add parallel Print Page Options

Ang pagmamasagwa at ang di pagbabanal ay parurusahan.

(A)Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel!

Magsidaan kayo sa (B)Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay magsiparoon kayo sa (C)Hamath na malaki; kung magkagayo'y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo: (D)magaling baga sila kay sa mga kahariang ito? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan?

Kayong (E)nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan;

Na nangahihiga sa mga higaang garing, at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan, at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan, at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan;

Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola; na (F)nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David;

Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok, at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango; nguni't hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose.

Read full chapter