Add parallel Print Page Options

10 Kapag dumating ang kamag-anak ng mga namatay upang ilabas at sunugin ang mga bangkay, magtatanong siya sa sinumang nagtatago sa bahay kung mayroon pa siyang ibang kasama. Kung ang sagot ay, “Wala!” sasabihin nito, “Tumahimik ka!” Ingatan nating huwag mabanggit man lang ang pangalan ni Yahweh.

11 Kapag siya ang nag-utos,
    magkakadurug-durog ang mga bahay,
    malaki man o maliit.
12 Tumatakbo ba sa batuhan ang mga kabayo?
    Naipang-aararo ba sa dagat ang mga baka?
Hindi nga, ngunit ginawa ninyong lason ang katarungan
    at pinalitaw na mali ang tama.

Read full chapter