Add parallel Print Page Options

Kawawa kayong malalakas uminom ng alak at gumagamit ng mamahaling pabango, pero hindi nagdadalamhati sa sasapiting pagbagsak ng inyong bansa.[a] Kaya kayong mga pinuno ang unang bibihagin at matitigil na ang inyong mga pagpipista at pagwawalang-bahala.

Kinamumuhian ng Panginoon ang Pagmamataas ng Israel

Sumumpa ang Panginoong Dios, ang Dios na Makapangyarihan. Sinabi niya, “Kinamumuhian ko ang pagmamataas ng mga lahi ni Jacob, at kinasusuklaman ang matitibay na bahagi ng kanilang lungsod. Kaya ipapasakop ko sa kaaway ang kanilang lungsod at ang lahat ng naroroon.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:6 pagbagsak ng inyong bansa: sa literal, pagbagsak ni Jose, na ang ibig sabihin ay ang mga lahi ni Jose o ang bansang Israel.