Add parallel Print Page Options

Kaya sinabi ko, “Panginoong Dios, nakikiusap po ako sa inyo na huwag nʼyong gawin iyan. Paano mabubuhay ang mga lahi ni Jacob kung gagawin nʼyo po iyan? Mahina po sila at walang kakayahan.” Kaya nagbago ang isip ng Panginoon at sinabi niya, “Hindi na mangyayari ang nakita mo.”

Ito pa ang ipinakita sa akin ng Panginoong Dios: Nakita ko ang Panginoon na nakatayo malapit sa pader at may hawak na hulog[a] na ginagamit para malaman kung tuwid ang pagkagawa ng pader.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:7 hulog: isang bagay na mabigat na may tali na ginagamit para malaman kung tuwid o hindi.