Add parallel Print Page Options

Sinabi niya, “Amos, ano ang nakikita mo?” “Isa pong basket ng prutas,” sagot ko. At sinabi sa akin ni Yahweh,

“Dumating na ang wakas[a] ng Israel.
    Ang pagpaparusa sa kanila'y di ko na maipagpapaliban pa.
At sa araw na iyon, malulungkot na awitin ang maririnig sa palasyo.[b]
May mga bangkay na naghambalang sa labas
    at maghahari ang katahimikan.”

Ang Kapahamakan ng Israel

Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa mga nangangailangan,
    at kayong umaapi sa mga dukha.

Read full chapter

Footnotes

  1. Amos 8:2 WAKAS: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “prutas” at “wakas” ay magkasintunog.
  2. Amos 8:3 palasyo: o kaya'y Templo .