Font Size
Apocalipsis 13:8-10
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 13:8-10
Ang Biblia, 2001
8 at(A) ang lahat ng naninirahan sa lupa ay sasamba sa kanya, ang lahat na ang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero na pinaslang buhat nang itatag ang sanlibutan.
9 Kung ang sinuman ay may pandinig ay makinig:
10 Kung(B) ang sinuman ay patungo sa pagkabihag, sa pagkabihag siya patutungo. Kung ang sinuman ay pumapatay sa pamamagitan ng tabak, sa pamamagitan ng tabak siya dapat papatayin. Ito ay panawagan para sa pagtitiis at pananampalataya ng mga banal.
Read full chapter