Add parallel Print Page Options

12 Narito (A)ang pagtitiyaga ng mga banal, (B)ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.

13 At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, (C)Isulat mo, Mapapalad ang mga patay (D)na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, (E)upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.

14 At nakita ko, at narito, ang isang alapaap na maputi; at nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang (F)katulad ng isang anak ng tao, na sa kaniyang ulo'y may isang putong na ginto, at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas.

Read full chapter