Font Size
Apocalipsis 16:13-15
Ang Biblia (1978)
Apocalipsis 16:13-15
Ang Biblia (1978)
13 At nakita kong lumabas sa bibig (A)ng dragon, at sa (B)bibig ng hayop, at sa bibig (C)ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na (D)gaya ng mga palaka:
14 Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, (E)na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa (F)pagbabaka (G)sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.
15 (Narito, ako'y pumaparitong (H)gaya ng magnanakaw. (I)Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978