Add parallel Print Page Options

15 At sinabi niya sa akin, “Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng mahalay na babae[a] ay mga bayan, napakaraming tao, mga bansa, at mga wika.

16 At ang sampung sungay na iyong nakita, sila at ang halimaw ay mapopoot sa mahalay na babae;[b] siya'y pababayaan at huhubaran nila, lalamunin ang kanyang laman at siya'y lubos na susunugin sa apoy.

17 Sapagkat inilagay ng Diyos sa kanilang mga puso na gawin ang kanyang layunin at magkaisa ng pag-iisip at ibigay ang kanilang paghahari sa halimaw, hanggang sa maganap ang mga salita ng Diyos.

Read full chapter

Footnotes

  1. Apocalipsis 17:15 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
  2. Apocalipsis 17:16 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .