Add parallel Print Page Options

At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. (A)At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man.

At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda (B)at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, (C)Siya nawa; Aleluya.

At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi,

(D)Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.

Read full chapter