Add parallel Print Page Options

15 At(A) ang nakipag-usap sa akin ay may gintong panukat upang sukatin ang lunsod at ang mga pintuan at ang pader nito.

16 At ang pagkatayo ng lunsod ay parisukat, at ang kanyang haba ay gaya ng kanyang luwang, at sinukat niya ang lunsod ng kanyang panukat, labindalawang libong estadia.[a] Ang haba, luwang at ang taas nito ay magkakasukat.

17 Sinukat din niya ang pader nito, isandaan at apatnapu't apat na siko[b] ang taas, ayon sa sukat ng tao, na siyang ginagamit ng anghel.

Read full chapter

Footnotes

  1. Apocalipsis 21:16 Humigit kumulang na 2,400 kilometro.
  2. Apocalipsis 21:17 Humigit kumulang na 216 talampakan.