Add parallel Print Page Options

21 At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas; (A)at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.

22 At hindi ako nakakita ng templo doon: (B)sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.

23 At ang bayan ay (C)hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.

Read full chapter