Add parallel Print Page Options

Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig:
(A)Sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak.
Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy;
Ang (B)iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos;
Kaya't sinisinta ka ng mga dalaga.
Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo:
(C)Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid:
Kami ay matutuwa at magagalak sa iyo.
Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak:
Matuwid ang pagsinta nila sa iyo.

Read full chapter