Add parallel Print Page Options

Babae

Paliguan mo ako ng iyong mga halik. Pagkat mas matamis pa kaysa katas ng ubas ang iyong pag-ibig. Kay sarap amuyin ng iyong pabango, at ang ganda ng pangalan mo, kaya hindi kataka-takang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo. Sige na, O aking hari, dalhin mo ako sa iyong silid.

Mga Babae ng Jerusalem

Sa piling mo,[a] kami ay maligaya. Mas gusto pa namin ang pag-ibig mo kaysa anumang inumin.

Babae

Tama lang na umibig sila sa iyo!

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:4 Sa piling mo: Ang ibig sabihin, sa piling ng lalaki.