Font Size
Awit ng mga Awit 1:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Awit ng mga Awit 1:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
7 Mahal, sabihin mo sa akin kung saan ka nagpapastol ng iyong mga tupa. Saan mo sila pinagpapahinga tuwing tanghali? Sabihin mo sa akin para hindi na ako maghanap pa sa iyo doon sa iyong mga kaibigan na nagpapastol din ng tupa. Dahil baka akoʼy mapagkamalan na isang babaeng bayaran.
Lalaki
8 Kung hindi mo alam, O babaeng ubod ng ganda, sundan ang bakas ng aking mga tupa. Papunta ito sa tolda ng mga pastol, at mga kambing moʼy doon mo na rin ipastol. 9 O irog ko, tulad moʼy isang babaeng kabayo na nagustuhan ng lalaking kabayo na humihila ng karwahe ng hari ng Egipto.[a]
Read full chapterFootnotes
- 1:9 hari ng Egipto: sa Hebreo, Faraon.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®