Add parallel Print Page Options

11 Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile,
(A)Upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis,
Upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas,
At ang mga puno ng granada ay namumulaklak.
12 Bago ko naalaman, inilagay ako ng aking kaluluwa
Sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan.
13 Bumalik ka, bumalik ka, (B)Oh Sulamita;
Bumalik ka, bumalik ka, upang ikaw ay aming masdan.
Bakit ninyo titingnan ang Sulamita,
Nang gaya sa sayaw ng Mahanaim?

Read full chapter