Add parallel Print Page Options

Pagsasama ng kasintahang lalake at babae sa walang hanggang pagibig.

Oh ikaw sana'y naging aking kapatid,
Na humitit ng mga suso ng aking ina!
Pagka nasumpungan kita sa labas, hahagkan kita;
Oo, at walang hahamak sa akin.
Aking papatnubayan ka, at dadalhin kita sa bahay ng aking ina,
Na magtuturo sa akin;
Aking paiinumin ka ng hinaluang alak,
(A)Ng katas ng aking (B)granada.
Ang kaniyang kaliwang kamay ay (C)malalagay sa ilalim ng aking ulo,
At ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin.

Read full chapter