Font Size
                  
                
              
            
Awit ni Solomon 4:1-2
Magandang Balita Biblia
Awit ni Solomon 4:1-2
Magandang Balita Biblia
Mangingibig:
4 Kay ganda mo, aking mahal,
    ang mata mo'y mapupungay!
Ang buhok mong anong haba, pagkilos mo'y nagsasayaw
    parang kawan na naglalaro sa bundok ng Gilead.
2 Ang ngipin mo ay simputi nitong tupang bagong linis,
walang bungi kahit isa, maganda ang pagkaparis.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG) 
    Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
