Add parallel Print Page Options

14 “Ang lahat ng bagay sa Israel na ibinigay sa akin nang buo[a] ay magiging inyo. 15 Ang lahat ng panganay na lalaki, tao man o hayop na inihahandog sa akin ay magiging inyo rin. Pero kailangang tubusin ninyo ang mga panganay na anak na lalaki at ang mga panganay na mga hayop na itinuturing na marumi. 16 Tubusin ninyo ito kung isang buwan na ang edad at kailangang tubusin ninyo ito sa halagang limang pirasong pilak ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 18:14 ibinigay sa akin nang buo: Ang Hebreong salita nito ay nangangahulugan na ang mga bagay na ibinigay sa Panginoon ay hindi na mababawi at magiging sa mga pari na ito magpakailanman. Kung minsan, itoy winawasak.