Add parallel Print Page Options

Ang mga Angkan ni Merari

29 “Bilangin mo rin ang mga angkan ni Merari ayon sa kanilang pamilya. 30 Isama sa bilang ang lahat ng lalaking may edad 30 hanggang 50 taong gulang may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan. 31 Ito ang kanilang mga gawain sa Toldang Tipanan: sila ang magdadala ng mga balangkas ng Tolda, mga biga nito, mga haligi at ng mga pundasyon.

Read full chapter