Add parallel Print Page Options

Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa kapatid nating si Timoteo:

Para sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na kapatid kay Cristo.

Sumainyo nawa ang kagandahang-loob at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama.

Panalangin ng Pasasalamat

Tuwing ipinapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama[a] ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Read full chapter

Footnotes

  1. Colosas 1:3 Diyos na Ama: Sa ibang manuskrito'y Diyos at Ama .