Add parallel Print Page Options

Ito'y upang lumakas ang kanilang loob, at mabuklod sila sa pag-ibig, nang sa gayon ay makamtan nila ang lahat ng mga kayamanan na nagmumula sa buong katiyakan ng pagkaunawa, upang kanilang makilala ang hiwaga ng Diyos, samakatuwid ay si Cristo. Sa kanya nakatago ang lahat ng mga kayamanan ng karunungan at kaalaman. Sinasabi ko ito upang hindi kayo mailigaw ng sinuman sa pamamagitan ng mga nakabibighaning pangangatuwiran.

Read full chapter