Daniel 10:12-14
Ang Biblia (1978)
12 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, (A)Huwag kang matakot, Daniel; sapagka't mula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa, at magpakababa sa harap ng iyong Dios, ang iyong mga salita ay (B)dininig: at ako'y naparito alangalang sa iyong mga salita.
13 Nguni't ang prinsipe ng kaharian ng Persia ay nakipagpunyagi sa akin na dalawang pu't isang araw; nguni't, narito, si (C)Miguel ay isa sa mga punong prinsipe, dumating upang tulungan ako: at ako'y natira doon na kasama ng mga hari sa Persia.
14 Ngayo'y naparito ako upang ipatalastas sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong bayan sa mga (D)huling araw; (E)sapagka't ang pangitain ay ukol sa maraming mga araw pa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978