Add parallel Print Page Options

20 “Ang haring papalit sa kanya ay mag-uutos sa isang opisyal na sapilitang maniningil ng buwis para madagdagan ang kayamanan ng kaharian niya. Pero hindi magtatagal ay mamamatay ang haring ito, hindi dahil sa labanan o sa mayroong galit sa kanya.

21 “Ang papalit sa kanya bilang hari ay taong hindi kagalang-galang at walang karapatang maging hari. Sa hindi inaasahan ng mga tao, bigla niyang sasakupin ang kaharian sa pamamagitan ng pandaraya. 22 Maraming kalabang sundalo ang kanyang papatayin, pati na ang punong pari.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:22 punong pari: sa literal, pinuno ng kasunduan.