Daniel 5:16-18
Ang Biblia (1978)
16 Nguni't nabalitaan kita, na ikaw ay makapagpapaaninaw ng mga kahulugan, at makapagpapaliwanag ng alinlangan: (A)kung iyo ngang mabasa ang sulat, at maipaaninaw sa akin ang kahulugan, mananamit ka ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng iyong leeg, at ikaw ay magiging ikatlong puno sa kaharian.
17 Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Daniel sa harap ng hari, Iyo na (B)ang iyong mga kaloob, at ibigay mo ang iyong mga ganting pala sa iba; gayon ma'y aking babasahin sa hari ang sulat, at ipaaninaw ko sa kaniya ang kahulugan.
18 Oh ikaw na hari, ang Kataastaasang Dios, (C)nagbigay kay Nabucodonosor na iyong ama ng kaharian, at kadakilaan, at kaluwalhatian, at kamahalan:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978