Add parallel Print Page Options

At sa kanila'y (A)tatlong pangulo, na si Daniel ay isa; upang ang mga satrapang ito ay mangagbigay-alam sa kanila, at upang ang hari ay huwag magkaroon ng kapanganiban.

Nang magkagayo'y ang Daniel na ito ay natangi sa mga pangulo at sa mga satrapa, (B)sapagka't isang marilag na espiritu ay nasa kaniya; at inisip ng hari (C)na ilagay siya sa buong kaharian.

Nang magkagayo'y ang mga pangulo at ang mga satrapa ay nagsihanap ng maisusumbong laban kay Daniel, tungkol sa kaharian; nguni't hindi sila nangakasumpong ng anomang kadahilanan, ni kakulangan man, palibhasa'y tapat siya, walang anomang kamalian ni kakulangang nasumpungan sa kaniya.

Read full chapter