Add parallel Print Page Options

Pagkatapos nito'y tumingin ako, at narito ang iba, gaya ng isang leopardo, na mayroon sa likod niyaon na apat na pakpak ng ibon; ang hayop ay mayroon din namang (A)apat na ulo; at binigyan siya ng kapangyarihan.

Pagkatapos nito'y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, (B)ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may (C)malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; (D)at siya'y may sangpung sungay.

Aking pinagdilidili ang mga sungay, at, narito, sumibol sa gitna ng mga yaon ang (E)ibang sungay, isang munti, na sa harap niyao'y tatlo sa mga unang sungay ay nabunot sa mga ugat: at, narito, sa sungay na ito ay may mga mata na parang mga mata (F)ng tao, (G)at isang bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay.

Read full chapter