Add parallel Print Page Options

13 Narinig kong nag-uusap ang dalawang anghel. Ang isang anghel ay nagtatanong sa isa, “Hanggang kailan kaya tatagal ang mga pangyayaring ito na nasa pangitain? Ang pagpapatigil sa araw-araw na paghahandog, ang paglapastangan sa templo na magiging dahilan para pabayaan ito, at ang pagyurak sa mga nilalang sa langit?” 14 Sumagot ang isa, “Itoʼy mangyayari sa loob ng 2,300 umaga at hapon,[a] at pagkatapos ay lilinisin ang templo.”

Ipinaliwanag ni Gabriel ang Kahulugan ng Pangitain

15 Habang nakatingin ako sa pangitaing iyon at nag-iisip kung ano ang kahulugan noon, biglang tumayo sa harap ko ang parang tao.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:14 2,300 umaga at hapon: Ang 2,300 ay maaaring ang lahat ng handog na pang-umaga at panghapon sa loob ng 1,150 araw. (Tingnan din ang Ezra 3:3 tungkol sa handog na ito.) Ang handog na panghapon ay inihahandog sa paglubog ng araw.