Add parallel Print Page Options

24 Siyaʼy magiging makapangyarihan, pero hindi tulad ng haring nauna sa kanya.[a] Magtataka ang mga tao sa gagawin niyang panlilipol, at magtatagumpay siya sa anumang gagawin niya. Lilipulin niya ang mga makapangyarihang tao at ang mga hinirang na mga mamamayan ng Dios. 25 Dahil sa kanyang kakayahan, magtatagumpay siya sa kanyang pandaraya. Ipagmamalaki niya ang kanyang sarili, at maraming tao ang kanyang papatayin ng walang anumang babala. Lalabanan niya pati ang Pinuno ng mga pinuno. Pero lilipulin siya hindi sa kapangyarihan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Dios.

26 “Ang pangitaing nakita mo tungkol sa pagpapatigil ng pang-umaga at panghapon[b] na paghahandog ay totoo. Pero huwag mo munang ihayag ito dahil matatagalan pa bago ito maganap.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:24 pero hindi … sa kanya: o, pero hindi sa pamamagitan ng sarili niyang kapangyarihan.
  2. 8:26 panghapon: nang palubog na ang araw.