Add parallel Print Page Options

Iniutos ng Panginoon sa mga Israelita na Umalis sa Bundok ng Sinai

Ang aklat na ito ay tungkol sa mga mensahe na sinabi ni Moises sa lahat ng Israelita noong naroon pa sila sa ilang, sa silangan ng Ilog ng Jordan. Nagkakampo sila sa Kapatagan ng Jordan[a] malapit sa Suf, sa gitna ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Dizahab. (Mga 11 araw na paglalakbay mula sa Bundok ng Sinai[b] papunta sa Kadesh Barnea kung dadaan sa Bundok ng Seir.)

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:1 Kapatagan ng Jordan: sa Hebreo, Araba. Ganito rin sa talatang 7.
  2. 1:2 Bundok ng Sinai: sa Hebreo, Horeb. Ganito rin sa talatang 19.