Font Size
Deuteronomio 11:28-30
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 11:28-30
Ang Biblia, 2001
28 at ang sumpa, kung hindi ninyo diringgin ang mga utos ng Panginoon ninyong Diyos, kundi lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang sumunod sa ibang mga diyos, na hindi ninyo nakilala.
29 At(A) kapag ikaw ay ipapasok ng Panginoon mong Diyos sa lupain na iyong paroroonan upang angkinin, iyong ilalagay ang pagpapala sa bundok ng Gerizim, at ang sumpa sa bundok ng Ebal.
30 Hindi ba sila ay nasa kabila ng Jordan, sa dakong nilulubugan ng araw, sa lupain ng mga Cananeo na tumatahan sa Araba, sa tapat ng Gilgal na katabi ng mga ensina sa More?
Read full chapter