Font Size
Deuteronomio 15:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
Deuteronomio 15:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
15 Sa katapusan ng bawa't pitong taon ay magpapatawad ka ng iyong mga pautang.
2 At ito ang paraan ng pagpapatawad: bawa't may pautang ay magpapatawad ng kaniyang ipinautang sa kaniyang kapuwa; huwag niyang sisingilin sa kaniyang kapuwa, at sa kaniyang kapatid; sapagka't ang pagpapatawad ng Panginoon ay ipinahayag.
3 Sa isang taga ibang lupa ay iyong masisingil; nguni't anomang tinatangkilik mo na nasa iyong kapatid ay ipatatawad ng iyong kamay.
Read full chapter
Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)