Font Size
Deuteronomio 16:9-11
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 16:9-11
Ang Biblia, 2001
Kapistahan ng Pag-aani(A)
9 “Pitong(B) sanlinggo ang iyong bibilangin; mula sa panahong pinasimulan mong ilagay ang panggapas sa mga nakatayong trigo ay magpapasimula kang bumilang ng pitong sanlinggo.
10 At ipagdiwang mo ang Pista ng mga Sanlinggo sa Panginoon mong Diyos na may parangal na kusang-loob na handog, na iyong ibibigay ayon sa pagpapala sa iyo ng Panginoon mong Diyos;
11 ikaw at ang iyong anak na lalaki at babae, ang iyong aliping lalaki at babae, ang Levita na nasa loob ng iyong mga bayan, ang dayuhan, ang ulila, ang babaing balo na kasama mo ay magagalak sa harapan ng Panginoon sa lugar na pipiliin ng Panginoon mong Diyos na titirahan ng kanyang pangalan.
Read full chapter