Deuteronomio 25:5-7
Ang Biblia (1978)
5 (A)Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama, at isa sa kanila'y mamatay, at walang anak, ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas: ang (B)kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya, at kukunin siya niyang asawa, at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.
6 At mangyayari, na ang panganay na (C)kaniyang ipanganganak ay hahalili sa pangalan ng kaniyang kapatid na namatay, upang (D)ang kaniyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel.
7 At kung ayaw kunin ng lalake ang asawa ng kaniyang kapatid, ay sasampa nga ang asawa ng kaniyang kapatid sa (E)pintuang-bayan sa mga matanda, at sasabihin, Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978