Font Size
Deuteronomio 3:16-18
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 3:16-18
Ang Biblia, 2001
16 Sa mga Rubenita at sa mga Gadita ay aking ibinigay ang mula sa Gilead hanggang sa libis ng Arnon, na siyang kalahatian ng libis, bilang hangganan niyon hanggang sa ilog Jaboc, na siyang hangganan ng mga anak ni Ammon;
17 pati ng Araba at ng Jordan at ng hangganan niyon, mula sa Cineret hanggang sa Dagat ng Araba na Dagat ng Asin, sa ibaba ng gulod ng Pisga sa dakong silangan.
18 “At(A) kayo'y aking inutusan nang panahong iyon, na sinasabi, ‘Ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Diyos ang lupaing ito upang angkinin; kayong lahat na mandirigma ay daraang may sandata sa harapan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Israel.
Read full chapter