Font Size
Deuteronomio 32:10-12
Ang Biblia (1978)
Deuteronomio 32:10-12
Ang Biblia (1978)
10 Kaniyang nasumpungan (A)sa isang ilang sa lupain,
At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang;
Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap,
(B)Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata:
11 (C)Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad,
Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay,
Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha,
Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak:
12 Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya,
At walang ibang dios na kasama siya.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978