Font Size
Deuteronomio 32:22-24
Ang Biblia (1978)
Deuteronomio 32:22-24
Ang Biblia (1978)
22 Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit,
At nagniningas hanggang sa Sheol,
At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito,
At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok.
23 Aking dadaganan sila ng mga kasamaan;
(A)Aking gugugulin ang aking busog sa kanila:
24 Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init,
At ng mapait na pagkalipol;
(B)At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila,
Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978