Add parallel Print Page Options

11 Basbasan mo, Panginoon, ang kaniyang tinatangkilik,
At (A)tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay;
Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya,
At niyaong nangapopoot sa kaniya, upang sila'y huwag bumangon uli.
12 Tungkol sa Benjamin, ay kaniyang sinabi,
Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya;
Siya'y kakanlungan niya buong araw,
At siya'y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat.
13 At tungkol sa Jose ay kaniyang sinabi,
(B)Pagpalain nawa ng Panginoon ang kaniyang lupain,
Sa mga mahalagang bagay ng langit, (C)sa hamog,
At sa kalaliman na nasa ilalim niya,

Read full chapter