Font Size
Deuteronomio 33:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Deuteronomio 33:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Sinabi niya,
“Dumating ang Panginoon galing sa Sinai;
nagpakita siya galing sa Bundok ng Seir katulad ng pagsikat ng araw.
Sumikat siya sa mga tao galing sa Bundok ng Paran.
Dumating siya kasama ang libu-libong mga anghel,
at ang kanyang kanang kamay ay may dala-dalang naglalagablab na apoy.[a]
3 Tunay na minamahal ng Panginoon ang kanyang mamamayan.
Pinoprotektahan niya ang mga taong kanyang pinili.
Kaya siyaʼy sinusunod nila at tinutupad ang kanyang utos.
4 Ibinigay ni Moises sa ating mga lahi ni Jacob ang kautusan bilang mana.
Footnotes
- 33:2 Dumating … apoy: o, Dumating siya galing sa Meriba sa Kadesh, mula sa timog, sa mga libis.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®