Add parallel Print Page Options

21 At (A)kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya,
Sapagka't doon natago ang bahagi ng (B)gumagawa ng kautusan;
At siya'y (C)pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan,
Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon,
At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel.

22 At tungkol sa Dan ay kaniyang sinabi,

Ang Dan ay (D)anak ng leon,
Na (E)lumukso mula sa Basan.

23 At tungkol sa Nephtali ay kaniyang sinabi,

Oh (F)Nephtali, busog ng lingap,
At puspos ng pagpapala ng Panginoon:
(G)Ariin mo ang kalunuran at ang timugan.

Read full chapter