Add parallel Print Page Options

21 Pinili niya ang pinakamagandang lupain na nababagay sa mga pinuno.
Kapag nagtitipon ang mga tagapamahala ng mga mamamayan ng Israel, sinusunod nila ang mga ipinatutupad ng Panginoon at ang kanyang mga tuntunin para sa Israel.”

22 Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Dan,
“Ang lahi ni Dan ay katulad sa mga batang leon na tumatalon-talon mula sa Bashan.”

23 Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Naftali,
“Ang lahi ni Naftali ay sagana sa pagpapala ng Panginoon. Maangkin sana nila ang lupain sa kanluran[a] at sa timog.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 33:23 kanluran: Ganito ang nakasulat sa tekstong Septuagint, Syriac, at Vulgate. Sa Hebreo, Jeshurun; ang ibig sabihin, matuwid.