Add parallel Print Page Options

“Alalahanin ninyo kung paano ninyo ginalit ang Panginoon na inyong Dios sa disyerto. Mula nang araw na lumabas kayo sa Egipto hanggang ngayon, palagi na lang kayong nagrerebelde sa Panginoon. Kahit doon sa Bundok ng Sinai,[a] ginalit ninyo ang Panginoon, kaya gusto na lang niya kayong patayin. Nang umakyat ako sa bundok para kunin ang malalapad na bato, kung saan nakasulat ang kasunduan ng Panginoon na kanyang ginawa sa inyo, nanatili ako roon sa loob ng 40 araw at 40 gabi na walang kinakain at iniinom.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:8 Bundok ng Sinai: sa Hebreo, Horeb.