Font Size
Eclesiastes 5:16-18
Ang Biblia (1978)
Eclesiastes 5:16-18
Ang Biblia (1978)
16 At ito man ay malubhang kasamaan, na kung paano siya dumating ay gayon siya yayaon: (A)at anong pakinabang mayroon siya, na gumagawa sa hangin?
17 Lahat ng mga araw naman niya ay (B)ikinakain niya sa kadiliman, at siya'y totoong nayayamot, at may sakit at pagiinit.
18 Narito, na aking nakita (C)na mabuti at ukol sa isa ang kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa na kaniyang ginawa sa ilalim ng araw lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng Dios: sapagka't ito'y kaniyang bahagi.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978