Add parallel Print Page Options

(A)Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: (B)kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.

Sapagka't ang panaginip ay dumarating sa karamihan ng gawain; at ang tinig ng mangmang (C)sa karamihan ng mga salita.

(D)Pagka ikaw ay nananata ng panata sa Dios, (E)huwag kang magliban ng pagtupad; sapagka't siya'y walang kaligayahan sa mga mangmang: tuparin mo ang iyong ipinanata.

Read full chapter